Kaso ng COVID-19 sa U.S., posibleng umabot ng 100,000 kada araw

Posibleng makapagtala ng 100,000 kaso ng COVID-19 kada araw ang Estados Unidos ayon kay Top Disease Researcher Dr. Anthony Fauci.

Sinabi ni Fauci na malinaw na hindi makokontrol ang pagkalat ng nasabing sakit dahil sa mga mamamayan nitong hindi gumagamit ng face mask at hindi nagsasagawa ng social distancing.

Una ng napaulat ang 40,000 kaso ng covid-19 kada araw sa America na pang-apat na beses ng nangyayari sa loob ng limang araw.


Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 2.6 million ang kaso ng nasabing sakit sa Amerika habang nasa mahigit 120,000 ang mga nasawi at 720,631 naman ang recoveries.

Facebook Comments