Maine Mendoza, nagkaroon ng malaking pasa matapos mahulog sa set ng isang noontime show

103

Nagkaroon ng malaking pasa sa tuhod ang TV host at Actress na si Maine Mendoza matapos mataksidenteng mahulog sa set ng isang noontime variety show.

Sa Twitter account ni Maine, makikita sa video na nakaupo siya sa tila bakod sa set nang dumausdos ito at nahulog.


Agad naman siyang tinulungan ng kaniyang kasamahang si Paolo Ballesteros at iba pang staff ng nasabing programa ang dalaga.

Tinawanan lang ng aktres ang nangyari sa kaniya pero aminado itong masakit ang tinamo niyang pasa.

Facebook Comments