Kaso ng COVID patients sa CVMC, Bahagyang Bumaba

Cauayan City, Isabela- Bahagyang bumaba ang kaso ng mga frontline workers sa Cagayan Valley Medical Center na tinatamaan ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief ng CVMC, nasa 81 na lamang ngayon ang mga kanilang mga staff na kasalukuyang inaalagaan ng kanilang ospital.

Sinabi pa ni Baggao na halos asymptomatic hanggang mild symptoms ang kaso ng kanilang mga staff pero patuloy pa rin ang pag-aalaga ng kanilang ospital sa mga ito.


Sa nakalipas na linggo, umabot sa 102 ang kabuuang staff na nasa kanilang ospital matapos tamaan ng COVID-19.

Dagdag pa ni Baggao, bumaba na rin ang mga pasyenteng inaadmit sa kanilang ospital kung saan mula sa 261, 228 na lamang sa mga ito ay kumpirmadong COVID patients habang 33 naman ang suspected.

Ayon pa sa kanya, nagrenta ang pamunuan ng CVMC ng hotel bilang stepdown facility na mayroong 100 beds.

Paraan aniya ito para ma-decongest ang ospital at mabigyan ng lugar ang mga non-COVID patients at yung severe at critical COVID patients.

Facebook Comments