Mga senador, napikon kay Duque dahil sa ibang opisyal ng DOH ang pinasasagot nito sa mga COVID-19 funds.

Pinuna ng ilang senador si Health Secretary Francisco Duque III matapos dahil sa ibang mga opisyal ng Department of Health niya pinasasagot ang mga tanong ukol sa kwestiyonableng pag-gastos ng COVID-19 funds.

 

Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon, dapat magpakalalaki si Duque sa pagsagot sa kanilang mga tanong dahil nagpapakita ito ng kahinaan.

 

Aniya, ang pagiging bigo ni Duque na masagot ang kanilang mga tanong ay nagreresulta ng negatibong pagtingin ng publiko.


 

Tinawag naman ni Senate President Vicente Sotto si Duque na incompetent o walang kakayahang maipaliwanag ang mga naging aksyon ng kaniyang pinamumunuang ahensya.

Facebook Comments