Cauayan City, Isabela- Umabot na sa kabuuang 126 ang kabuuang bilang na naitalang kaso ng Delta variant sa lambak ng Cagayan base sa latest Biosurveillance report ng DOH Central Office.
Sa Press release ng DOH Region 2, umabot sa 748 ang specimen samples ang isinailalim sa pagsusuri mula sa buwan ng Marso, Mayo, Hunyo, Setyembre at Oktubre.
Ang pagsusuring ito ay “retrospective sampling” at isinagawa upang makita kung kailan nag-umpisang magkaroon at kung saan unang nakapagtala ng Delta variant cases sa bansa.
Kaugnay nito, pito ang naitala sa lalawigan ng Quirino kung saan tig-dalawang kaso ang mula sa Bagabag, Diadi at Solano habang tig-isa naman sa Alfonso Castaňeda, Ambaguio, Aritao, Bayombong, Dupax Del Sur, Kasibu, Quezon, Santa Fe at Villaverde.
Labing-lima (15) naman ang naitala sa Nueva Vizcaya kung saan tig-dalawa ang naitala sa Bagabag, Diadi at Solano habang tig-isa naman sa Alfonso Castaňeda, Ambaguio, Aritao, Bayombong, Dupax Del Sur, Kasibu, Quezon, Santa Fe at Villaverde.
Maliban pa dito, umabot na sa 40 kaso ang naitala naman sa Cagayan habang nanguna pa rin ang lalawigan ng Isabela sa may pinakamataas na bilang na pumalo sa 64 cases.
Mula sa kasong naitala sa Cagayan, apat ang naitalang nasawi habang tatlo naman sa Isabela.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) sa pamamagitan ng Special Action Team (SAT) sa mga apektadong Local Government Units, sa pagpapababa ng mga kaso gamit ang Prevent, Detect, Isolate, Test/Treat and Re-integrate (PDITR) strategies upang mapaikli ang pagitan ng Detection to Isolation ng mga nagkakasakit.
. tags: DOH Region 2, Delta variant