Kaso ng dengue sa bansa, bumaba ng 11%

Bumaba sa 11% ang kaso ng dengue sa buong bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, nakapagtala ang bansa ng 5,267 na dengue cases mula January 28 hanggang February 10.

Mas mababa ito sa 7, 434 na kasong naitala mula January 14 hanggang January 27.


Gayunpaman, sa kabila ng pagbaba ng kaso ay nakitaan naman ng pagtaas ng ahensya ang Region 10 at Caraga region na may 1,384 na dengue cases, mula January 14 hanggang January 27.

Halos dumoble ito kumpara sa 715 na kasong naitala sa rehiyon mula January 1 hanggang January 13.

Samantala, nakapagtala na rin ang DOH ng 67 na nasawi dengue ngayong taon, na nagresulta sa case fatality rate na 0.32%.

Facebook Comments