Kaso ng dengue sa bansa, inaasahang tataas pa – DOH

Inaasahang tataas ang kaso ng dengue sa bansa ngayong taon.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque – higit 70,000 cases ng dengue ang naitala at posibleng tumaas pa ito hanggang 200,000 cases sa katapusan ng taon.

Aniya, kada tatlo hanggang apat na taon, tumataas ang dengue cases.


Paalala ni Duque na maging maingat at ugaliing tandaan ang “4s” campaign para maiwasan ang dengue.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na hanapin at linisin ang mga lugar na pinamumugaran at pinangingitlugan ng mga lamok, magkaroon ng self-protection, agad na magpakonsulta at suportahan ang fogging o pagpapa-usok sa dengue hotspot areas.

Facebook Comments