Kaso ng dengue sa bansa, mahigit 82,000 na

Umabot na sa 82,597 ang kaso ng dengue na naitala sa bansa ngayong taon na ito.

Ito ay 106% na mas malaki kumpara sa dengue cases na naitala sa parehong panahon noong 2021.

Sa nasabing bilang, umabot na sa 319 ang namatay sa nasabing sakit.


Karamihan sa kaso ay mula sa Central Luzon na nasa 13,449 kasunod ang Region 7 o Central Luzon na may 8,905 at National Capital Region (NCR) na may 6,884.

Sampu sa 17 rehiyon ang lumagpas sa epidemic threshold base sa datos noong June 19 – July 16

Kasama ang Region 2, MIMAROPA at Cordillera Administrative Region (CAR) sa patuloy na nakakapagtala ng pagtaas ng kaso ng dengue.

Facebook Comments