TOP 1 MOST WANTED PERSON SA NUEVA VIZCAYA, TIMBOG

19
Naaresto na ng mga awtoridad ang notoryus wanted ng Nueva Vizcaya dahil sa kasong rape noong Hulyo 31, 2022.

Kinilala ang suspek na si Odazan Bayabao Didato Alias Sanny Didato, 59 taong gulang, negosyante at residente ng Brgy. Quirino, Solano, Nueva Vizcaya.

Ayon sa PNP Solano, bandang alas 10:30 ng gabi ng siya ay madakip sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PNP Solano, Intel PCO at mga tauhan ng RIU2 sa ilalim ng COPLAN Kapatid ng PNP Nueva Vizcaya.

Ito ay sa bisa nang isinilbing warrant of arrest na ipinalabas ng isang hukom dahil sa kasong panggagahasa.

Si Bayabao ay nahaharap sa asuntong Rape na naitala sa Kasong Criminal bilang 12397 sa sala ni Presiding Judge Cicerio Jandoc ng Second Judicial Region Branch 29, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ni Bayabao.



Ang suspek ay nasa kustodiya ng PNP habang hinihintay ang commitment order mula sa hukumang pinagmulan.

Facebook Comments