Kaso ng dengue sa bansa ngayong taon, tumaas ng 33%

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 131,161 na kaso ng dengue sa buong bansa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na mas mataas ng 33% ang naturang kaso kumpara sa noong 2023 sa kaparehong panahon na nasa 102,374.

Ang mga datos na ito ay naitala mula January 1, 2024 hanggang nitong August 3.


Dagdag pa ni Domingo, nakapagtala na rin sila ng 364 na nasawi.

Pero mas mababa raw ito kumpara sa 401 noong 2023 sa kaparehong period.

Isa sa mga rason sabi ng DOH ay mas maaga nang nagpapa konsulta ang publiko kaya naagapan ang sakit.

Facebook Comments