Kaso ng dengue sa bansa ngayong taon , umakyat na sa higit 44,000

Papalo na sa higit 44,000 kaso ng dengue sa bansa ngayong taon.

Sa datos ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH), aabot na sa 44,566 dengue cases mula January 1 hanggang March 9.

Mula sa nasabing bilang 167 na ang namatay.


Ang bilang ng kaso ay mas mataas kumpara sa 26,408 cases sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.

Ang Central Visayas ang may pinakamataas na kaso ng dengue na may 4,956, sumunod ang National Capital Region (NCR) na may 4,604, Calabarzon na may 4,559 at Cagayan na may 4,350.

Ang pinakamaraming naitalang namatay dahil sa dengue ay sa Central Visayas (32), kasunod ang Cagayan Valley (19), NCR (17), Western Visayas (16) at Calabarzon (15).

Pinayuhan ng DOH ang publiko na gamitin ang 4-S strategy: Search and destroy; Secure self-protection; Seek early consultation; Support fogging/spraying.

Facebook Comments