Kaso ng dengue sa bansa, patuloy na bumababa

Manila, Philippines – Patuloy na bumababa ang kaso ng dengue sa bansa base sa inilabas na talaan ng Department of Health (DOH).

Sa ipnakitang data ng DOH, mayroong 35,973 kaso ang naitala mula Enero 1 hanggang Mayo 20.

Mas mababa ito ng 31.8 percent sa parehas na period noong nakaraang taon na mayroong 52,780.


Ayon naman kay DOH secretary Paulyn Ubial, na hindi sila nagkukumpiyansa sa nasabing bilang at patuloy ang kanilang ginagawang kampanya para tuluyan itong masawata.

Sa nabanggit na bilang 207 dito ang naiulat na namatay sa parehas na period.

Facebook Comments