Kaso ng dengue sa bansa, pumalo na sa 102,619; siyam na rehiyon, nakitaan ng pagtuloy na pagtaas

Siyam sa labing pitong rehiyon sa bansa ang nakitaan ng Department of Health (DOH) ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.

Ito ang inihayag ni DOH Officer in Charge Ma. Rosario Vergeire matapos na maitala ang 23,414 na dengue cases sa bansa mula July 3, 2022 hanggang July 30, 2022.

Ayon kay Vergeire, sa nasabing bilang 18,208 o 78% ng mga kaso ng dengue ay nako-confined sa ospital.


Kaya naman patuloy ang paalala ng DOH na patuloy na sundin ang 4S strategy laban sa dengue.

Sa ngayon ay hindi pa inilalabas ng DOH ang siyam na rehiyon sa bansa na nakapagtala ng mataas na kaso.

Nabatid na aabot na sa 102,619 ang dengue cases sa bansa mula January 1 hanggang July 30, 2022, kung saan nasa 131% na mataas ito kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2021.

Facebook Comments