DOH, nakapagtala ng 3,748 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon; aktibong kaso, umakyat na sa 37,225

274

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) kahapon ng 3,748 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Dahil dito, umakyat na sa 3,848,449 ang kabuuang case tally ng bansa kung saan nasa 37,225 ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 2,591 ang bilang ng gumaling sa sakit dahilan para umakyat sa 3,749,963 ang gumaling dito.


Lumobo naman sa 61,261 ang nationwide tally ng COVID-19 related deaths matapos madagdagan ng 40 nasawi sa sakit.

Facebook Comments