Kaso ng Dengue sa Cagayan, Higit 2,000

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa kabuuang 2,186 ang kaso ng dengue sa Cagayan base sa pinakahuling data ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU).

Sa inilabas na report ng Cagayan Provincial Information Office, sinabi ni Dr. Rhea Danguilan, OIC ng Provincial Health Office (PHO) na ang bilang ng dengue sa lalawigan ay nasa epidemic level pa rin at hindi pa maikokonsiderang nasa peak level.

Batay sa huling datos, ang lungsod ng Tuguegarao ay nakapagtala ng pinakamataas na 279, sinundan ng mga bayan ng Tuao (191), Gattaran (183), Solana (170), Lasam (166), Baggao (159), Piat (117), Aparri (96), Alcala (89), Lal-lo (64)

Habang nakapagtala naman ng 62 ang bayan ng Pamplona, Peñablanca (60), Gonzaga (58), Abulug (57), Ballesteros (56), Sanchez Mira (46), Amulung (45), Rizal (45), Camalaniugan (43), Sta. Ana (42), Enrile (28), Sta. Teresita (28), Iguig (25), Sto. Niño (24), Allacapan (17), Buguey (17), Claveria (15), Sta. Praxedes (5) at tanging ang bayan ng Calayan ang may zero case.

Naitala naman ng limang bayan na kinabibilangan ng Baggao, Gattaran, Iguig, Lasam at Solana ang kaso ng pagkamatay dahil sa sakit na dengue.

Patuloy naman ang ginagawang information dissemination ng health authorities para magbigay paalala sa publiko sa posibleng epekto ng sakit na dengue.

Facebook Comments