Kaso ng Dengue sa Cauayan City, Tumaas Kumpara sa Ilang Bayan na Naitala ng Cauayan District Hospital

*Cauayan City, Isabela*- Pumalo sa kabuuang 119 kaso ng mga biktima ng Dengue ang naitala ng Cauayan District Hospital simula Agosto hanggang Disyenmbre 2019.

Ayon kay Ginoong Reygie Lopez, Hospital Administrator ng Cauayan District Hospital, 3 buwang gulang na sanggol ang pinakabata na positibo sa dengue habang 75 ang pinakamantanda.

Dagdag pa ni Ginoong Lopez, pinakamataas ang kasong ng dengue sa Cauayan City na umabot sa 68 na sinundan ng Alicia na may 12, Naguilian 9, Luna 8, Reina Mercedes at Palanan na may bawat tatlong kaso.


Nakapagtala din ang Cauayan District Hospital ng kaso sa ilang bayan ng Isabela gaya ng San Mateo,Divilacan, Benito Soliven, Cabatuan, Angadanan, Sta. Maria, Aurora at Ilagan City.

Muli namang nagpaalala ang hospital na ugaliin pa rin ang paglilinis sa bakuran at tiyakin na walang tubig na maiimbakan upang hindi pamugaran ng lamok.

Facebook Comments