Ayon sa pinakahuling datos ng Pangasinan Provincial Health Office simula Enero hanggang Agosto 9 ngayon taon ay mayroon ng kabuuang 2, 914 ang naitatalang naging kaso ng dengue sa lalawigan.
Kung titignan ang datos noong nakaraang taon, ay may 1, 671 lamang at labintatlo dito ay nasawi malaki ang agwat dahil tumaas ng mahigit isang libo ngayon taon ang nadapuan ng dengue habang bumaba naman ng labing isa ang bilang ng nasawi dahil sa sakit.
Ayon kay doc. Anna de guzman, ang provincial health officer ng lalawigan, minomonitor ang mga bayan ng San Carlos City na mayroong 331, Alaminos City na mayroong 290, sa bayan naman ng Pozorrubio ay nakapagtala ng 160, sa bayan ng Bolinao ay mayroong 127 na kaso at 126 naman sa lungsod ng Urdaneta sa pagkakaroon ng kaso nito.
Sa leptospirosis naman, sa pinakahuling datos ng pho ay may naitalang 17 na kaso kung saan isa dito ang nasawi.
Samantala, patuloy namang binabantayan ngayon ng pho ang mga sakit na water borne diseases, leptospirosis at dengue dahil sa panahon ngayong tag-ulan.