Kaso ng dengue sa Pangasinan bumaba

Dagupan City – Kumpara sa datos noong 2018 bumaba ang kaso ng mga tinamaan ng dengue sa lalawigan ngayong taon. Ayon sa Pangasinan Provincial Health Office bumaba sa 31% ang dengue cases o may 1,547 cases na lamang kumpara sa 2,250 noong nakaraang taon.

Bunga umano ito sa mas pinaigting na kampanya ng PHO sa pamamagitan ng information dissemination ng 4S – Search and destroy, Self-protection measures, Seek early consultation, at Say no to indiscriminate fogging.

Partikular ngayong tinututukan ng PHO ang mga paaralan sa buong probinsya at sinisigurong nasusunod ang tamang sanitation at cleanliness mga school facilities gayundin ang pakikipag-ugnayan nila sa mga magulang sa kadahilanang mga bata ang pangunahing biktima sa nasabing sakit.


Samantala naka-alerto na ang PHO at ang 14 na pampublikong ospital ng probinsya upang pigilan ang maaaring dengue outbreak sa Pangasinan.

Facebook Comments