KASO NG DENGUE SA PANGASINAN, NANANATILING MABABA AYON SA PROVINCIAL HEALTH OFFICE

LINGAYEN PANGASINAN – Nakitaan na ng pagbaba ng kaso ng dengue ang lalawigan ng Pangasinan ngayong unang limang buwan ng taong 2022.
Sa isang panayam kay Dra. Anna De Guzman, Provincial Health Officer na simula buwan ng Enero hanggang May 16 na nasa 195 lamang na kaso ng dengue, malayo sa bilang ng mga naitala noong nakaraang taon sa parehong mga buwan kung saan umabot sa 1,493 ang naitala at isa ang nasawi.
Kaugnay naman nito ay mahigpit na binabantayan ang ilang lugar na mayroong naitalang mataas na kaso ng dengue na kinabibilangan ng San Carlos City, at mga bayan ng Calasiao, Sta. Barbara, Binmaley at Umingan.

Ang kaso at sakit naman umano na dengue ay hindi lamang tuwing tag-ulan ngunit kahit pa kasagsagan ng init ay nagkakaroon ng pag iimbak ng tubig na maaaring pamahayan ng mga lamok na may dalang dengue.
Sa huli, ipinayo ng health authorities sa publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran at ang pagpapatatag sa kalusugan. | ifmnews
Facebook Comments