SUBSIDIYANG BIGAS PARA SA MGA MAGSASAKA UKOL SA PROGRAMA KONTRA KAHIRAPAN NG BOLINAO, IPINAMAHAGI

48
BOLINAO, PANGASINAN – Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Bolinao sa pamamagitan ng Office of Municipal Agriculture Office katuwang ang iba pang mga departamento at ahensya ang distribusyon ng subsidiya sa bigas para sa mga lokal na magsasaka.
Ang mga subsidiya sa mga lokal na pamahalaan sa mga benepisyaryong magsasaka ay kaugnay sa laban kontra gutom at kahirapan sa bayan.
Ang mahalagang gawaing ito ay bilang pagkakaloob ng suporta sa mga bayaning mga magsasaka upang mapalawig pa ang produksyon na siyang daan upang masugpo ang krisis sa bigas.

Ang lokal na pamahalaan ay patuloy na isinasakatuparan ang pagiging kabuklod ng mga mamamayan sa pagtataguyod ng mga adhikaing pangkaunlaran para sa lahat ng mamamayan. | ifmnews
Facebook Comments