KASO NG DENGUE SA PANGASINAN, TUMAAS NG 32% NGAYONG TAON

LINGAYEN, PANGASINAN – Higit 4, 000 na ang kaso ng dengue na naitala sa Pangasinan ngayong taon ayon sa health official ng probinsiya.

Ayon sa datos ng Provincial Health Office, 4, 279 na kaso ang naitala sa lalawigan mula Enero hanggang October 18, at dalawa umano sa mga pasyente ang nasawi.

Ngayong buwan pa lamang nakapagtala na ng 48 kaso ng dengue ang probinsya kung saan nagkaroon ng pag-ulan at pagbaha sa ilang bayan dulot ng bagyong Maring.


Isa namang dalawang buwang gulang ang pinakabatang tinamaan ng sakit.

Noong 2020, nakapagtala ng 3, 237 na kaso ang probinsiya , mas mababa ito kumpara sa naitala ngayong taon.

Nangunguna naman sa Provincial health watchlist ang San Carlos city, Alaminos City at Bayambang.

Hinihikayat naman ang mga Pangasinense na ugaliing gawin ang 4s kontra dengue.

Ito ang seek and destroy, seek early consultation, self-protection at say no to indiscriminate fogging upang makaiwas sakit ngayong nararanasan ang pandemya.###

Facebook Comments