Kaso ng dengue sa QC, patuloy pang tumataas

Patuloy pang tumataas ang kaso ng sakit na dengue sa lungsod ng Quezon City.

Batay sa pinakahuling ulat ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, pumalo na sa 847 ang naitalang kaso ng dengue sa lungsod mula Enero 1 hanggang Mayo 13, ngayong taon.

Tumaas ng 124.67% o 470 ang kaso kumpara noong kahalintulad na panahon noong 2022.


Samantala, nakapagtala rin ang lokal na pamahalaan ng 102 kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) hanggang Mayo 13.

Pinakamaraming naitala ay mula sa District 4 na may 25 kaso habang pinakamababa naman sa District 6 na may 10 na kumpirmadong kaso.

Payo pa ng Local Government Unit (LGU) na huwag baliwalain ang mga nabanggit na sakit at agad na magpunta sa pinakamalapit na Health Center o pagamutan kung maramdaman ang mga sintomas.

Facebook Comments