Higit ₱16-M halaga ng cocaine na inilagay sa back pack, nasabat sa NAIA terminal 3

Nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang pinaghihinalaang Cocaine na nagkakahalaga ng ₱16,536,000.

Naaresto ang suspek na si Domingo Salvadoran, 45 years old isang electrician pasahero ng Qatar Airways Flight QR 932 na mula sa Qatar at Brazil base sa passport nito.

Kasama sa mga nakumpiska ang isang handcarry bag na naglalaman ng sari-saring damit at iba pang personal na gamit, siyam na transparent na plastic bag na naglalaman ng puting powdery substance na pinaghihinalaang cocaine, isang El Salvador Passport, dalawang boarding pass, isang customs baggage declaration form, tatlong pahinang naka-print na mga tiket sa eroplano at isang cellular phone.


Samantala, hawak na ng Pulisya ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PDEG-NAIA- BOC.

Facebook Comments