Kaso ng dengue sa QC, pumalo na sa 350% ngayong Enero

Nadagdagan pa ang mga kaso ng dengue na naitatala ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit.

Nasa 162 kaso ng dengue ang naitala mula January 1 hanggang January 21, 2023.

Ito ay 350.00% kumpara noong 2022.


Nakapagtala ang District 6 ng pinakamataas na kaso ng dengue na umabot sa 39 kaso habang ang District 5 naman ang pinakamababa na nakapagtala ng 15 kaso.

Wala namang naiulat na dengue-related deaths.

Pinapayuhan ng City Health Department ang lahat na magtungo agad sa pinakamalapit na health center o ospital sakaling makaramdam o makaranas ng mga sintomas ng dengue.

Facebook Comments