Inihayag ni Dr. Janet Ibay, Infectious Disease Cluster Head ng DOH R02, pumalo sa 897% o katumbas ng 2,014 na kaso ng dengue ang naitala mula Enero 1 hanggang Hunyo 4, 2022 kumpara sa parehong panahon noong 2021 na may bilang na 202 lamang.
Batay sa datos, labis na apektado ang mga nasa edad 11 hanggang 20 matapos tamaan ng sakit na dengue kung saan, nasa 9 taong gulang ang pinakabata at 88 taong gulang naman ang pinakamatanda sa mga pasyente.
Kaugnay nito, ang lalawigan ng Isabela ang may pinakamataas na naitalang kaso na umabot sa 967; Cagayan na mayroon namang 724; Nueva Vizcaya na 262; Quirino na 59, at Batanes na mayroong dalawang (2) kaso.
Dahil dito, nakapagtala ng anim (6) na casualty dahil sa sakit kung saan lima (5) rito ay mula sa Cagayan at ang isa (1) ay sa Isabela pawang mga kalalakihan ang maraming bilang na biktima ng naturang sakit.
Sa clustering ayon kay Dr. Ibay, dito makikita ang bilang ng kaso na naitatala ng mahigit tatlo o higit pa sa loob ng apat na linggo sa isang lugar at upang matukoy ang mga lugar na maaaring magkaroon ng outbreak.
Bagamat wala pang outbreak, mahigpit na paalala ng ahensya na sundin ang 4S kontra Dengue (“Search and Destroy; Seek Early Consultation; Self Protection at Support Fogging/Spraying sa mga hotspots)