Bumaba ngayong buwan ng Enero ang naitatalang mga kaso ng dengue sa Ilocos Region ayon sa health authorities.
Base sa monitoring ng Department of Health-Center for Health Development 1, nakapagtala ang rehiyon ng 23 kaso ng sakit at mas mababa umano itong naitalang kaso ng sakit sa rehiyon uno kung saan nasa 39% mababa kumpara noong nakaraang taon sa parehong buwan.
Sa datos ng DOH-CHD1 nakapagtala ang lalawigan ng Pangasinan ng 15 kaso, lima (5) sa Ilocos Norte, tatlo (3) sa La Union at wala namang naitala ang Ilocos Sur.
Ikinababahala umano ng mga otoridad ang hindi pagpapakonsulta ng mga residenteng mayroon ng sintomas ng dengue.
Paalala ng otoridad partikular na ang health authorities na ugaliing magpakonsulta sa doktor o sa mga pinakamalapit na pagamutan sakaling may nararamdaman ng hindi maganda sa katawan lalo na kung may mga sintomas ng dengue upang agad na malunasan.
Dagdag pa ng otoridad na ang dengue ay nakamamatay at kung hindi man maagapan ng lunas ay may posibilidad na magkaroon ng komplikasyon sa katawan.
Samantala, kaliwa’t kanan naman ang isinasagawang misting at fogging operations sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Pangasinan para masugpo ang mga lamok na lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao. |ifmnews
Facebook Comments