MGA NAKAPAG-RENEW NG BUSINESS PERMITS SA CALASIAO WALA PA SA 50%; MARKET DIVISION OFFICE, NANAWAGAN

Patuloy ngayon ang panawagan ng Market Division Office ng bayan ng Calasiao sa mga negosyanteng hindi pa nakakapag-renew ng kanilang business permit ngayon 2023 na i-renew na.
Nagsawa ng inspeksyon ang Market Division Team sa mga negosyanteng may stall sa pamilihang bayan ng Calasiao kung mayroon ng updated na business permit ang ito.
Ayon sa tanggapan ng Market Division Office, wala pa umano sa kalahati sa halos tatlong daang (300) bilang ng mga negosyante ang nakakuha na ng bagong business permit.

Sa isang panayam sinabi ni Teddy Tuliao, Calasiao Market Supervisor, na kailangan na umanong kumuha ng taunang permit to operate upang maiwasan ang mga maaaring problema gaya na lamang ng 25% na penalty para sa mga hindi nakapag-renew.
Paliwanag ng ilan, wala umanong magbabantay sa kanilang pwesto at ang iba naman ay nag-renew na baka mapatungan ng penalty.
Samantala, sa January 31, 2023 ang huling araw ng renewal ng mga business permit sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments