Sa kabila ng Dengue Awareness Month ngayon buwan ng Hunyo, nakitaan ngayon ng pagtaas ang kaso ng dengue sa Rehiyon Uno ayon sa Department of Health Center for Health Development Region 1.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay DOH-CHD1 information officer Dr. Rheuel Bobis, base sa pinakahuling monitoring ng ahensya, mayroong pagtaas na 18.1% ang kaso ngayon o katumbas ng nasa 692 kaso na ang naitala ng ahensya kung saan mataas ito kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon na nasa 586 lamang.
Sa datos, nangunguna ang lalawigan ng Pangasinan na may bilang na 364, sinundan ito ng La Union na may 128 na kaso, Ilocos Norte na may 108, nasa 58 na kaso lamang ang naitala ng Ilocos Sur at ang Dagupan City ay nakapagtala naman ng 34 kaso.
Ayon pa sa kanya, ang tinitignang dahilan ng pagtaas ng kaso ay dahil sa mas maluwag na restrictions ng COVID-19 ngayon taon.
Samantala, binigyang diin ng opisyal ang kahalagahan ng 4S kontra Dengue, ito ang
(1) Search & destroy mosquito breeding places o pagkalap at pagsira sa mga lugar na itlugan ng mga lamok,
(1) Search & destroy mosquito breeding places o pagkalap at pagsira sa mga lugar na itlugan ng mga lamok,
(2) Use Self-protection measures o pagsusuot at paggamit ng mga proteksyon laban sa nangangagat na lamok,
(3) Seek early consultation for fevers lasting more than 2 days o agad na pagpapatingin sa doktor kung may lagnat na higit na sa 2 araw, at pang-huli,
(4) Say yes to fogging when there is an impending outbreak o pagsuporta sa pagpapausok sa lugar na may napapabalitang paglaganap ng dengue. |ifmnews
Facebook Comments