PLANONG CUTTING TREES AT ROAD WIDENING PROJECT SA BINMALEY AT LINGAYEN, TINALAKAY

Tinalakay sa naganap na pagpupulong ang mga inilatag na proyekto para sa ilang bayan sa Distrito Dos gaya ng Binmaley at Lingayen kung saan pinag-usapan ang pagpaplanong proyekto na Cutting of Trees at Road Widening sa kani-kanilang mga lugar.
Ang mga naturang proyekto na nais maisagawa sa mga bayan ay isa sa hakbangin ng Distrito Dos para sa ikabubuti ng kanilang nasasakupan.
Kasama sa ginanap na pagpupulong na ito ang DPWH District Engineer, alkalde ng Lingayen, Lingayen PNP Chief of Police, at mga Barangay Officials ng Binmaley at Lingayen.

Inaasahan umano ng mga kinauukulan ang koordinasyon ng mga nasa komunidad lalo na pagdating sa pagdedesisyon, aksyon, at mga proyektong ibababa sa Distrito Dos. |ifmnews
Facebook Comments