Kaso ng dengue sa Western Visayas, tumaas ng mahigit 150% sa unang quarter ng taon

Tumaas ng 159 percent ang kaso ng Dengue sa Western Visayas sa unang quarter ng 2019.

Ayon kay Dr. Maria lourdes Monegro, entomologist ng Department of Health (DOH) region 6, aabot na sa 5,527 ang bilang ng tinamaan ng Dengue simula a-uno ng Enero hanggang a-sais ng Abril.

Mas mataas ito kumpara sa 1,126 na kaso ng Dengue na naitala sa kaparehong panahon noong 2018.


Pinakamataas na kaso nito ay naitala sa Negros Occidental na aabot sa 1,863; sumunod ang probinsya ng Iloilo na mayroong 1,043 at sa aklan na may 784 Dengue cases.

Aabot naman sa 713 ang timaan ng sakit sa Capiz at may mangilan-ngilan din sa Iloilo City, Bacolod, Antique at Guimaras.

Facebook Comments