Kaso ng dengue sa Zamboanga, pumalo na sa higit 1,000; nasawi,13 na

Pumalo na sa 1,039 ang naitalang kaso ng dengue sa Zamboanga City.

Ayon kay Dr. Dulce Miravite ng Zamboanga City Health Office, mula sa 200 kaso lamang noong Enero hanggang Pebrero, sumampa ito sa 484 noong Marso habang 135 ang naitala mula Abril 1 hanggang kahapon.

Mula sa kabuuang bilang, 13 na ang nasawi dahil sa sakit.


Pinakaapektado ng dengue outbreak ang upland villages sa Zamboanga City kabilang ang Latuan, San Roque, Santa Maria, Putik at Mercedes.

Tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na may nakalatag nang preventive measures para maresolba ang dengue outbreak sa lungsod.

Nagpaalala rin si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na agad magpakonsulta sa doktor kung makaranas ng sintomas ng dengue at sumunod sa “4S” strategy – search and destroy breeding places, secure self-protection, seek early consultation, support indoor and outdoor spraying.

Facebook Comments