Pangulong Duterte, nananatiling mataas ang approval at trust ratings base sa PUBLiCUS Asia survey

206

Nagpapasalamat ang Palasyo sa walang sawang suporta at tiwala ng publiko kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Reaksyon ito ni acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar kasunod ng inilabas na resulta ng survey ng PUBLiCUS Asia kung saan nananatiling mataas ang approval at trust ratings ni Pangulong Duterte.

Base sa survey, nakakuha si Pangulong Duterte ng 67.2 approval rating at 61.8 trust rating sa unang quarter ng 2022.


Ayon kay Sec. Andanar, makaaasa ang publiko na magtutuloy-tuloy ang serbisyo publiko ng punong ehekutibo hanggang sa huling araw nito sa kaniyang termino.

Isinagawa ang survey mula March 30- April 6, 2022.

Facebook Comments