Kaso ng Dengue, umabot na sa higit 371,000

Patuloy ang pagbaba ang kaso ng Dengue sa bansa.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ang naitatala nilang bagong kaso ng Dengue kada Linggo ay nabawasan.

Aniya, inaasahang magpapatuloy ang downward trend.


Sa datos ng DOH mula January 1 hanggang October 19, umabot na sa 371,717 Dengue Cases.

Nasa 1,407 na ang namatay.

Mataas pa rin ito kumpara sa higit 180,000 na kaso na naitala sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.

Mga batang may edad lima hanggang siyam na taong gulang ang pinakaapektado ng Dengue.

Naitala sa Calabarzon ang pinakamaraming kaso ng Dengue na may higit 62,344, kasunod ang Western Visayas (54,920), Metro Manila (32,040), Central Luzon (30,686), at Northern Mindanao (24,410) cases.

Facebook Comments