PRRD, masusing pinipili ang susunod na PNP Chief

Wala pang napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y matapos magretiro si dating PNP Chief Oscar Albayalde noong Biyernes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kaya natatagalan ang Pangulo ay dahil tinitimbang pa niya kung sino ang pipiliin niyang maging susunod na Hepe ng Pambansang Pulisya.


Kasalukuyang tumatayong PNP OIC si Police Lt/Gen. Archie Francisco Gamboa.

Maliban kay Gamboa, kasama din sa mga pinagpipilian sina Lt/Gen. Camilo Cascolan, at Major Gen. GUILLERMO ELEAZAR.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na kailangang tapat ang susunod na PNP Chief.

Facebook Comments