MANILA – Umakyat na sa 52 na kaso ng election-related violence ang naitala ng Commission on Human Rights (CHR) simula noong Enero.Ayon kay Atty. Gemma Parojinog, Officer-in-Charge ng Human Resources Policy Office, 14 na ang namatay simula nang ideklara ang election period noong Enero-a-nuebe.Ang kaso ay kinabibilangan ng pamamaril, harassment, frustrated murder at attempted murder.Sa naitalang kaso, dalawang reklamo pa lamang ang naisasampa partikular sa Prosecutor’s Office ng Bulacan at Batangas.Una rito ay kinumpirma ng CHR na 14 ang kumpirmadong election-related killings habang ang 49 ay patuloy pang iniimbestigahan.
Facebook Comments