Kaso ng FLiRT Variant sa bansa, posibleng hindi lamang dalawa ayon sa DOH

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na posibleng may mga nauna pang kaso ng COVID-19 FLiRT variant bago ang dalawang natukoy ngayon.

Ayon sa DOH, ito ay dahil limitado lamang ang sequencing ng Philippine Genome Center.

Una nang sinabi ng kagawaran na wala pang ebidensiya na nagdudulot ng severe hanggang critical na COVID-19 ang KP.2 at KP.3 variants na tinatawag ding FLiRT variant.


Sa ngayon, pinag-aaralan pa rin kung mas mabilis itong makahawa at kung ano ang epekto nito sa mga bakuna.

Pinayuhan naman ng DOH ang publiko na ugaliin pa rin ang pagtatakip kapag umuubo, paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at pag-iwas sa mataong lugar para maiwasan ang mga acute respiratory illnesses kabilang na ang COVID-19.

Facebook Comments