Mga proyektong pabahay ng gobyerno, lalagyan na rin ng swimming pool, clubhouse, basketball court at iba pang amenities

Masayang ibinalita ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang patuloy na pagpapahusay ng mga socialized housing projects sa ilalim ng Build, Better More (BBM) programs ng administrashyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Romualdez, nakatutuwa na ang pabahay ng pamahalaan para sa mga pamilyang Pilipino ay lalagyan na rin iba’t ibang amenities tulad ng basketball court, swimming pool, clubhouse na pawang karaniwang nakikita sa mga mga subdivision at condominium.

Binanggit ni Romuldez, na napakahalaga ng proyektong pabahay para sa taumbayan kaya ng ilapit ito sa kanila ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jerry Acuzar ay agad itong hinanapan ng pondo ni House Committee on Appropriations Chairman at AKO Bicol Party-list Representative Zaldy Co at iba pang kongresista.


Mensahe ito ni Romualdez sa kanyang pangunguna sa pag-iinspeksyon sa itinatayong Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) sa San Mateo, Rizal Housing Project na may kabuuang land area na 46,007 sqm.

Binubuo ito ng 4,330 units na condo style na may laki na 24 sqm at 27 sqm na mayroong dalawang kwarto, kusina, banyo at sala.

Facebook Comments