Kaso ng forced labor trafficking sa 36 Pinoy na mangingisda sa Africa, nai-endorso na sa DOJ at IACAT

Nai-endorso na ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Department of Justice (DOJ) at sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang kaso ng forced labor trafficking sa 36 Pinoy na mangingisda sa Namibia, South Africa.

Nabatid na ang naturang mga Pinoy ay pinangakuan ng trabaho sa Taiwan pero nagulat na lamang sila nang malaman nila na sa Namibia pala sila dadalhin.

Ang naturang mga Pinoy ay minaltrato at pinapagtrabaho ng 36 magkasunod na oras, bukod doon, kumakain lamang sila ng dalawang beses sa isang araw at apat na oras ang tulog.


Hindi rin sila pinahahawak ng kanilang passport at seamen’s book na malinaw na paglabag sa kanilang karapatan bilang seafarers.

Bunga nito, iniimbestigahan na ngayon ang kanilang manning agencies na Trioceanic Manning & Shipping, Inc. at Diamond H Marine Services & Shipping Agency.

Facebook Comments