FASTEST FILIPINO RACER NA TUBONG PANGASINAN, KILALANIN

Mahilig sa sports tayong mga Pangasinense. Isa sa talento natin ang pagiging athletic kung kaya’t kilalanin natin ang tinaguriang fastest filipino racer na si Reagan Nabua na tubong Barangay Tondol, Anda Pangasinan na nanalo bilang 2nd runner up sa nagawang racing competition na ginanap sa Davao City nito lamang nakaraang March 26 ngayong taon.
Ayon sa kanya, masaya siya na nasungkit ang panalo bilang fastest filipino sa nasabing race.
Nagpapasalamat rin siya sa lahat ng mga taong sumuporta at naniniwala sa kanya.

Samantala, nito lang buwan ng Marso ay naging kampeon rin siya sa Subic. Marami na rin siyang nasalihang iba’t ibang race sa Albay, Clark at sa Palawan.
Nais niyang sabihin sa lahat ng mga aspiring athletes na Pangasinense ay magsipag lang at disiplina sa sarili. Magfocus lang sa goals at darating din yung araw na maabot ang pangarap sa larangan ng sports kaya huwag kayong susuko. |ifmnews
Facebook Comments