KASO NG HAND, FOOT, AND MOUTH DISEASE, NAITALA SA ALLACAPAN, CAGAYAN

May labing-apat (14) na kaso ng ng hand, foot, and mouth disease (HFMD) ang naitala sa bayan ng Allacapan, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon mula sa Municipal Government ng Allacapan, sinabi ni Ginang Faye Tabaldo Cortez, Sanitary Inspector ng RHU Allacapan, may apat na nagpositibo sa HFMD mula sa pitong nakuhanan ng specimen habang hinihintay pa ang resulta ng dalawa.

Ayon pa kay Cortez, nakitaan ang mga pasyente ng mga mapupulang mga butlig o sugat sa kanilang mga paa, kamay at bibig.

Mga nasa edad pitong taong gulang pababa ang kadalasang tinatamaan ng naturang sakit.

Pinayuhan naman ang mga magulang na panatilihing malinis ang katawan ng mga anak, ugaliin ang paghuhugas ng kamay, at linisin o i-disinfect ang mga bagay na madalas hinahawakan o isinusubo ng bata upang makaiwas sa HFMD.

Facebook Comments