SIYAM, NASAKTAN SA BANGGAAN NG FX AT JEEP

29
Siyam na indibidwal ang sugatan matapos ang bangaan ng isang FX at papasaherong Jeepney sa Mankayan, Benguet kahapon, Agosto 8, 2022.

Base sa imbestigasyon ng awtoridad, pababa ang Tamaraw FX habang paakyat naman ang PUJ sa Barangay Road, Sitio Marivic, Barangay Sapid, Mankayan, Benguet.

Umagaw umano nang linya ang FX na naging dahilan upang sumalpok ito sa jeep.

Sugatan ang parehong drayber pati ang dalawang pasahero ng jeep at isang pasahero ng FX.

Naisugod naman sa ospital ang mga biktima at kasalukuyang nag papagaling.

Facebook Comments