
Inihayag ng Department of Health (DOH) na bahagyang nagkaroon ng pagbaba sa bilang ng mga nahawaan ng sakit na Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa bansa.
Ayon kay Health Assistant Secretary at Spokesperson Dr. Albert Domingo, mula sa dating 50 kaso ng nahawaan ng sakit kada araw noong July hanggang September 2024, bumaba na lamang ito sa 3 kada araw noong October hanggang December.
Sa mga bagong nahahawaan ng HIV, nasa edad 25 hanggang 34-anyos ang mga ito at pawang mga lalaki.
Pakikipagtalik sa kapwa lalaki ang isa sa nakita ng DOH na nangungunang sanhi pa rin ng pagkalat ng virus.
Sa ngayon, mayroon ng 215,000 na kaso ng HIV sa Pilipinas kung saan 134,036 lamang ang nagpatingin sa doktor at 95% sa mga ito ang tumatanggap ng antiretroviral therapy.