
Aabot sa 444 million Japanese yen o 167 million pesos ang halaga ng Open – Radio Access Network System equipment ang ipagkakaloob ng Japan sa Pilipinas sa pamamagitan ng Government of Japan’s Economic and Social Development Program.
Layunin nito na paigtingin ang information and telecommunications infrastructures sa bansa.
Ang open radio network access equipment ay ilalagay sa University of the Philippines.
Ang nasabing proyekto ay inaasahang makapagbibigay ng abot-kayang halaga para sa deployment and operations ng 5G Networks sa bansa.
Dumalo sa ginanap na paglagda para sa proyektong ito sina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo at si Ambassador of Japan to the Philippines na si Endo Kazuya at ilang opisyal ng University of the Philippines.