Kaso ng HIV sa mga kabataan, tumataas ayon sa DOH

Tumataas ang bilang ng mga kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa mga kabataan nasa edad 15 pababa.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, nakapagtala ng nasa 50 na bagong kaso ng HIV sa mga Pilipino sa lahat ng edad.

Dumoble ito sa bilang ng mga kasong naitala noong 2022.


Sa naturang bilang, 47% ay kabilang sa mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 24.

Gayunpaman, sinabi ni Herbosa na wala pang 1% ng populasyon ang naturang kaso ng HIV sa bansa kung kaya’t mababa pa rin ito.

Matatandaang noong Abril, sinabi ng DOH na ang mga kaso ng HIV sa bansa ay posibleng umabot sa 364,000 sa taong 2030.

Facebook Comments