Kaso ng HIV sa Pilipinas, posibleng umakyat sa 364,000 sa 2030 ayon sa DOH

Posibleng umabot sa 364,000 ang kaso ng HIV sa bansa.

Babala ito ng Department of Health kasunod ng mabilis na pagtaas ng bagong kaso ng sakit.

Ayon kay Noel Palapayon ng National HIV and STI Surevillance and Strategic Information Unit, halos kalahati ng bagong HIV infections ay mula sa edad 15 hanggang 24 taong gulang.


Kaya iginiit nito na dapat pag-ibayuhin pa ang hakbang ng gobyerno upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng sakit.

Sa datos ng DOH as of February 2023, nasa 47 ang naitatalang bagong kaso ng HIV sa Pilipinas kada araw, mas mataas sa siyam na naitala noong 2012.

Facebook Comments