Miyembro umano ng Abu Sayyaf Group na wanted sa kasong murder, arestado sa Parañaque City

Arestado ang isang miyembro umano ng Abu Sayyaf Group sa Parañaque City.

Kinilala ang suspek na si Alpin Salahuddin, 33-taong gulang at may standing arrest sa kasong murder at attempted murder.

Sabi ni Southern Police District Director Police Brigadier General Kirby Kraft, sangkot din si Salahuddin sa mga kidnapping sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at pang-pito sa listahan na pinaghahanap ng otoridad sa lugar.


Nakuha sa suspek ang kalibre 45 na baril, Granada at tatlong ID na may litrato niya pero magkakaiba ang nakalagay na pangalan at edad.

Siya ay namalagi sa Metro Manila bilang construction worker sa loob ng pitong taon bago natugis ng mga pulis.

Pinabulaanan naman ng suspek na miyembro siya ng Abu Sayyaf.

Facebook Comments