Kaso Ng Hiv/Aids Sa Bansa Pabata Ng Pabata, Pamimigay Ng Condo Sa Ilang Piling Paaralan – Muling Iginiit Ng Dept. Of Hea

MANILA – Sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos, muling iginiit ng Department of Health (DOH) na kanilang itutuloy ang pamimigay ng condom sa ilang piling paaralan sa bansa.Sa interview ng RMN kay Health Spokesperson Dr. Eric Tayag – sinabi nitong 29 kaso na ng HIV-AIDS kada araw ang kanilang naitatala.Ayon kay Tayag, kailangang ituloy ang kampanyang ito dahil karamihan sa mga nabibiktima ay kabataan na nasa edad 15-anyos hanggang 24-anyos.Kaugnay nito, hihilingin na rin ng DOH sa mga magulang na ituro kung paano ipairal ang ‘safe sex’ sa kanilang mga anak.Patuloy ding binabalangkas ang stratehiya kasama ang Department of Education (DepEd) kung paano isasama sa aralin ng mga bata ang tamang counseling para mabawasan ang mga kaso ng HIV/AIDS sa bansa.Sa ngayon – 785 bagong HIV/AIDS infection ang naitatala sa bansa kabilang dito ang isang anim na taong gulang na bata, limang buntis at 21 nasawi sa sakit.Pinakarami dito ay naitala sa National Capital Region (NCR) – na may 301 kaso o 40%; sumunod ang region 4a na may 108 kaso o 14%; region 3 na may 73 kaso o 10%; region 7 na may 72 kaso o 10% at region 11 na may 47 kaso o 6%.

Facebook Comments