Kaso ng iba pang COVID variants sa bansa, posibleng tumaas pa

Aminado ang Department of Health (DOH) na posibleng tumaas pa ang iba’t ibang variant ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay dahil hindi pa nakakapagsumite ng mga samples ang BARMM o Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Nagiging problema kasi ngayon ng BARMM ang pag-transport ng mga samples na dadalhin sa Philippine Genome Center sa Quezon City.


Pinangangambahan kasing pumasok na sa Mindanao ang iba’t ibang variants ng COVID-19 dahil malapit ito sa border ng Sabah, Malaysia.

Facebook Comments