Tumaas sa 49% ang kaso ng influenza-like illness sa bansa.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), pumalo na sa 171,067 kaso sa buong bansa mula noong Enero hanggang October 27 kumpara sa parehong panahon noong 2022.
Sa nasabing bilang, ang Davao ang may pinakamataas na kaso na nasa 25,137.
Sinundan naman ito Northern Mindanao na may 22,520, at Central Visayas na may 21,398.
Ang pinaka-karaniwang sintomas ng flu-like illness ay lagnat, panginginig, ubo, pagbahing, pagkawala ng ganang kumain, pananakit ng katawan, at pagsusuka.
Facebook Comments