Kaso ng influenza-like illness sa Taguig, patuloy na bumaba

Kinumpirma ng pamahalaang lungsod ng Taguig City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU), na patuloy ang pagbaba ng kaso ng influenza-like illness (ILI) sa lungsod ng Taguig.

Ayon sa lokal na pamahalaan, mula 35 kaso noong September 14–20, hanggang 7 kaso na lamang nitong linggong nagtapos noong Oktubre 11, 2025.

Karamihan sa mga nagkasakit ay mga batang edad 1 hanggang 5 taong gulang.

Sa mga nakalipas na linggo, wala nang naitalang bagong clustering ng kaso sa Fort Bonifacio at Ususan, habang tig-iisang kaso lamang ang naitala sa Pinagsama, Tuktukan, at Ibayo.

Patuloy ang mahigpit na monitoring ng CEDSU at mga health centers, at aktibo na rin ang mga Fever Fast Lane sa lahat ng health centers, Taguig-Pateros District Hospital (TPDH), at Taguig City General Hospital (TCGH) upang agad maserbisyuhan ang mga batang may sintomas tulad ng lagnat, ubo, o sipon.

Pinaalalahanan ang mga magulang, kung may lagnat, ubo, o sipon ang kanilang mga anak, agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center.

Facebook Comments